Verified
Master of Arts in Education
Biong, Zosima C.
Marso 2016
ZOSIMA C. BIONG, Holy Infant College, Tacloban City, PAGGAMIT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AT TRADISYUNAL NA LEKTYUR SA PAGTUTURO SA PANITIKAN SA MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG SAN JOSE Tagapayo: LILIA P. ADRALES, Ed. D. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong paghambingin ang makabagong istratehiyang pagtuturo sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya at ang paggamit ng tradisyunal na lecture na pamamaraan sa pagtuturo sa asignaturang Filipino sa Grade 10 na mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng San Jose sa school year 2015-2016. Ang mga sumusunod na mga katanungan ay nagsilbing gabay sa pag-aaral na ito: Ano ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Panitikan na ginamitan ng tradisyunal na lecture na pamamaraan (control group) sa pretest at posttest; Ano ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Panitikan na gagamitan ng makabagong istratehiya sa pamamagitan ng paggamit ng ibat’-ibang teknolohiya (experimental group) sa pretest at posttest; Mayroon bang mahalagang pagkakaiba sa antas ng kaalaman sa Panitikan ng mga mag-aaral sa pagitan ng makabagong istratehiya sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang teknolohiya (experimental group) at ng tradisyunal na lecture (control group) sa pretest at posttest; Mayroon bang mahalagang pagkakaiba sa antas ng kaalaman sa pagitan ng pretest at posttest sa control group at experimental group? Ang mga sumusunod ay ang magiging mga ipotesis sa pag-aaral na ito: 1) Walang mahalagang pagkakaiba sa antas kaalaman sa Filipino ng mga mag-aaral sa pagitan ng makabagong istratehiya ng paggamit ng iba’t ibang teknolohiya (experimental group) at ng tradisyunal na lecture (control group) sa pretest at posttest; at 2) Walang mahalagang pagkakaiba sa antas ng kaalaman sa pagitan ng pretest at posttest sa control group at experimental group.